Saturday, June 16, 2012

Daddy Yo

Mahigit tatlong taon na rin ang nakakalipas simula ng umalis ako ng Pilipinas. At bago pa man ako umalis, hindi na kami nagkita ni daddy. Nasa Manila kasi ako nun, siya naman nasa amin sa Baguio.  Hindi nga niya alam na paalis pala ako. Hindi ko pinaalam kasi hindi papayag yun, unica hija kc ako. Nalaman nalang niya ilang oras lang bago lumipad ang talaga namang giant na eroplano. Natatandaan ko, super amaze talaga ako nun sa eroplanong sasakyan namin... first time ko kasi makakita ng eroplanong naka-landing at ayan lang sa harapan ko. 

Galit na galit si daddy nun. Pagdating namin sa Abu Dhabi airport, in-on ko ang celfone ko at tulad ng inaasahan, text ni daddy ang na-receive ko. Galit pa din. Kaya tinawagan ko at ipinaalam na okay lang ako at kung nasaan ako. 

Ilang oras lang ang nagdaan at dumating na ako dito. Tawag agad ako kay daddy na andito na ako sa panibagong mundo ko. Galit pa rin siya pero wala na siyang nagawa kundi ang pagbilinan ako at payuhan. 

Pang-apat na Fathers Day na 'to na hindi ko nakakapiling ang daddy ko. Sobrang miss ko na siya. Kahit hindi halata... Mabait ang daddy ko. Sobrang haba ng pasensiya. Halos hindi nagagalit. Walang bisyo. Sutil pag minsan. Fanatic ni Marcos. Mapagkakatiwalaan ng sikreto. Hanggang ngayon, madami pa rin kaming sikretong dalawa. :) 

Maraming pangyayari sa buhay ko na sa tingin ko ay hindi katanggap-tanggap. Marami akong kalokohang nagawa na hindi rin lingid sa kaalaman ng mga magulang ko lalo na ni daddy. Pero tinanggap niyang lahat yun at hindi man lang ako nakarinig ng kahit anong sigaw o galit mula sa kanya. 

Alam kong nabigo ko si daddy sa maraming pagkakataon. Pero hindi niya ito kailanman pinaramdam sa akin. Kaya pinipilit ko ding bumawi sa mga pagkukulang kong yun. Sana hindi pa huli ang lahat. 

Happy Fathers Day po daddy yo! Love na love kita. At super miss na po kita. Sana sa susunod na Fathers Day, kasama na kita. :)  

P.S. Daddy Yo, I found my prince but you will always be my king...